Pananagutan sa mga pet service provider
MANILA, Philippines — Mahigpit na pananagutan sa mga nagbibigay ng serbisyo sa mga alagang aso matapos mapaulat ang 29 na patay na alagang aso na nakasako at iniwan sa isan Gatchalian: Higpitan ang
g bakanteng lote sa San Jose del Monte, Bulacan.
Ito ang iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian, at isang malinaw na paglabag sa mga batas pangkalikasan at pangkalinisan.
“Mas masakit pa rito, nagbayad ang mga nagluluksa at nawalan ng alagang hayop para sa maayos na huling pamamaalam sa kanilang minamahal na mga kasama, ngunit itinapon lamang ang mga ito na parang basura sa gilid ng kalsada.
“Malinaw itong kaso ng panlilinlang at kailangang managot ang mga responsable sa naturang paglabag,” ani Gatchalian.
Hinihikayat ni Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan (LGU) sa buong bansa at mga kinauukulang ahensya, gaya ng Bureau of Animal Industry, na magsagawa ng inspeksyon at audit sa lahat ng nagpapatakbong pet service provider, kabilang ang mga crematorium.
- Latest





















