Babaing may brain aneurysm pinagaling ni St. John Paul ii (Last Part)
HINDI MALILIMUTANG KARANASAN Ronnie M. Halos
NANG matagpuan ng Vatican si Floribeth sa pamamagitan ng parish priest, tinanong ito kung puwedeng dumaan muli sa tests para makumpirma kung talagang nawala o naglaho na ang aneurysm.
Walang gatol na sumang-ayon si Floribeth. Ang pagsasailalim sa tests ay isa sa mga proseso para mapatunayan ang nangyaring himala.
At gaya nang naunang test kay Floribeth, wala na ang aneurysm. Negative.
Isinumite niya ang proof at iba pang inpormasyon sa Vatican. Pagkatapos ay tumawag sa kanya ang mga opisyal doon at tinanong kung gusto ba niyang magtungo sa Rome para sumailalim muli sa kaparehong tests. Pumayag si Floribeth.
Nang nasa Rome na, sumailalim si Floribeth sa panibagong tests.
Manghang-mangha ang mga opisyal ng Vatican sapagkat wala na ang aneurysm ni Floribeth.
Nang kapanayamin si Floribeth ng mga mamamahayag sa nangyaring himala sa kanya sa pamamagitan ni St. John Paul II sinabi niya: Don’t look at this woman who is here. I am not the important one. What is important here is what God worked in me. … Look at me and believe in God. Because I was on the edge of dying, and here I am now, talking with you. So believe in God. You have before you a healing. If you don’t believe in this, in what can we believe?”
- Latest




















