Dingdong, laging may say sa ginagawa ni Marian!

Masusing pinag-aaralan ni Marian Rivera ang bawat pelikulang ginagawa. Ang asawang si Dingdong Dantes umano ang kumukumbinsi sa aktres upang gawin ang isang proyekto. “Si Dong kasi ‘yung instinct niya is palaging okay. Example may gagawin kami, isi-sit down niya ako, ‘Ready ka bang gumawa ng isang movie?’ Alam niya sobrang dedicated mom (ko), eh mawawala ako sa kids.
“So si Dong ‘yung tipo na bago ako umoo sa isang project, kakausapin niya muna ako do’n sa mga bagay na alam niyang hindi ko magagawa sa mga anak ko dahil mawawala ako.
“So ‘pag sinabi kong, ‘Daddy, hindi ko yata kaya,’ hindi niya ipipilit ‘yon. Always muna kung okay ako na gawin siya, next do’n is anong project ba ang dapat,” pagbabahagi ni Marian kay Karmina Constantino sa KC After Hours.
Kapag desidido nang gumawa ng isang bagong pelikula ay agad na kinakausap ng aktres ang mga anak na sina Xia at Sixto.
Mapapanood na sa mga sinehan simula November 11 ang pelikulang Remember na pinagbibidahan nina Marian at Dingdong. Halos isang buwang nag-shooting ang mag-asawa sa Quebec, Canada kaya matagal nawalay sa dalawang anak. “As nanay, kakausapin ko na ‘yung mga bata. ‘Anak, may gagawin kami ni daddy. Ito ‘yung gagawin namin.’ So may awareness sila. Hindi pa namin gagawin, buwan ko sila kinakausap para pagdating ng araw na kailangan kong mawala, ready sila. Kumbaga nahanda ko na sila,” paliwanag ng aktres.
RURU, MAY ‘DI MAKALIMUTANG KARANASAN SA SPAIN
Kamakailan ay nakaranas nang pambabastos si Ruru Madrid mula sa isang waiter sa restaurant sa Spain.
Basta na lamang daw kasi ibinato sa lamesa ang mga pagkain na in-order ng Kapuso actor. “Kumakain ako sa isang restaurant mag-isa. Then nag-order ako ng steak pati ng fries. ‘Yung nag-serve sa akin, binato lang niya ‘yung pagkain sa harapan ko.
“Iniisip ko, palalampasin ko na lang ba ito? Hahayaan ko na lang ba na gano’n ‘yung trato sa akin? Ang ginawa ko, tinawag ko ‘yung manager. Nag-type ako ng google translate sa phone ko para sabihin na itong tao mo, tinrato ako nang ganito. Meron akong kakayanan na magbayad nang in-order ko. Pero ganito niya ako tratuhin. So lumapit sa akin ‘yung nagbigay. So sinabi ko talaga sa kanya na hindi tama na tratuhin tayo nang ganito,” pagdedetalye ni Ruru sa 24 Oras.
Kasamang bida ni Ruru si Romnick Sarmenta sa Los Salvajes Bravos. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2026. Hango ang istorya ng bagong proyekto sa tunay na buhay ng mga Filipino na nakaranas nang hindi maganda sa Spain noong unang panahon.
Umaasa si Ruru na maraming matututunan ang manonood mula sa naturang MMFF entry. — Reports from JCC
- Latest




















