^

Probinsiya

2 aplikante ipinadlock, 20 pa nasagip sa illegal recruiter!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Bahay ni-raid ng NBI sa Cavite

CAVITE, Philippines — Nasagip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI)-NCR at Department Migrant Workers FMW) ang may 22 indibiduwal na nag-apply bilang mga overseas Filipino workers (OWFs) mula sa kanilang ilegal recruiter sa isinagawang raid sa Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, sinalakay ng NBI agents ang isang bahay sa Dasmariñas City kung saan naabutan pa nila rito ang babaeng recruiter na si alyas “Lyn”.

Base sa ulat, nagkasa ng operasyon ang NBI- NCR at Department of Migrant workers sa lugar matapos makatanggap ng sumbong sa ilang magulang ng may 22 biktima.

Pagdating ng grupo sa lugar, nasaksihan nila ang hindi makataong pagtrato sa mga biktima kung saan dalawa sa mga aplikante ang naabutang naka-padlock at nakakulong sa kuwarto matapos silang umatras umano sa pag-a-apply.

Ayon kay Atty Jun Dongallo, Regional Director ng NBI-NCR, sangkot sa mga ilegal recruitment ang suspek, ikinulong pa umano nito ang dalawang babaeng aplikante na umatras para maging domestic helper sa Middle East. Pinagbabayad umano sila ng suspek sa mga nagastos nito sa proseso ng mga papeles ng dalawa kung kaya ikinulong nito ang mga biktima sa isang kwarto sa nasabing bahay na umabot ng tatlong araw.

Naabutan din sa loob ng bahay ng NBI raiding team ang 20 pang aplikante na kanila ring nasagip.

 Inalam ng NBI kung awtorisado ba ang suspek na tumanggap ng mga aplikanteng gustong magtrabaho abroad su­balit lumabas na wala itong anumang permit at hindi awtorisado.

Nakita rin ng grupo ang itsura ng nasabing bahay na tinutuluyang ng mga biktima na bukod sa napakadumi, mainit, at talagang hindi pwedeng tirahan ng mga aplikante.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with