^

Metro

Wanted na lider ng transnational syndicate, nasakote

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Wanted na lider ng transnational syndicate, nasakote
Kinilala ang naaresto na si Yamamoto Yoshitama, na wanted sa Japan dahil sa mga kasong pandaraya, pagnanakaw, at tangkang pagnanakaw. Dinakip siya alinsunod sa Warrant of Deportation Order No. 2023-160 na inilabas noong Hulyo 18, 2023.
immigration.gov.ph

MANILA, Philippines — Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 57-anyos na Hapones na umano’y kabilang sa mga lider ng kilalang transnational criminal syndicate na JPDragon sa isang operasyon sa Cabanatuan City noong Oktubre 31, 2026.

Kinilala ang naaresto na si Yamamoto Yoshitama, na wanted sa Japan dahil sa mga kasong pandaraya, pagnanakaw, at tangkang pagnanakaw. Dinakip siya alinsunod sa Warrant of Deportation Order No. 2023-160 na inilabas noong Hulyo 18, 2023.

Ayon sa BI, si Yamamoto ay pinaniniwalaang kabilang sa mga pinuno ng JPDragon, isang sindikatong nakabase sa Japan na binubuo ng mga dating miyembro ng yakuza at umano’y nagpapatakbo sa Metro Manila.

Iniuugnay ang grupo sa serye ng panloloko sa matatandang Hapones kung saan nagpapanggap ang mga miyembro nito na mga pulis upang makuha ang ATM card at impormasyon sa bangko ng kanilang mga biktima.

Tinatayang 250 katao ang nabiktima ng sindikato, na umabot sa ¥900 milyon ang nakulimbat mula noong 2019.

Kasalukuyang nakapiit si Yamamoto sa BI Warden’s Facility habang hinihintay ang kanyang deportasyon sa Japan.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with