EDSA Busway Guadalupe Station, bubuksan na sa publiko

MANILA, Philippines — Nakatakda nang buksan sa publiko sa Biyernes, Nobyembre 6, 2026 ang bagong rehabilitate na EDSA Busway Guadalupe Station.
Magkatuwang na ininspeksiyon nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez ang istasyon, ilang araw bago ito muling buksan sa publiko.
Ayon sa DOTr, ipinag-utos din ni Dizon ang paglalagay nang maayos na toilet, ceiling fans, at dagdag na mga upuan sa mga istasyon ng busway para sa mga pasahero.
Ito’y bilang tugon sa utos ng Pangulo na bigyang prayoridad ang mga komyuter at gawing maginhawa ang kanilang araw-araw na biyahe.
Bahagi rin ito ng patuloy na pagtutulungan ng DOTr at DPWH upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga proyektong nasimulan ng bawat ahensya, tulad ng pagpapabuti ng mga pasilidad para sa kapakanan ng mga commuters.
- Latest

















