Rider, nahulihan ng baril sa checkpoint

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na lalaki ang inaresto nang makumpiskahan ito ng iligal na baril sa Oplan Sita ng Lopez Municipal Police Station, kamamalawa ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Tommy at nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .45 baril na nakasukbit sa kanyang bewang.
Sa ulat ng pulisya, alas-7:00 ng umaga ay nagsagawa ng checkpoint ang mga otoridad nang mapansin sa suspek ang nakasukbit na baril habang minamaneho ang isang motorsiklo.
Tinangka pa umanong tumakas ng suspek gayunman ay agad ding naaresto ng mga humabol na pulis.
Ang nakumpiskang baril ay may laman na pitong bala at nakuha rin sa sling bag nito ang dalawang pirasong bala ng M14 at tatlong pirasong bala ng M60. Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591.
- Latest















