^

Police Metro

UAE-PH partnership oil facility isinusulong sa Senado

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo, Chairman ng Senate Energy Committee, ang pakikipag-ugnayan sa United Arab Emirates (UAE) sa pamamagitan ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) upang mas patatagin ang suplay ng langis at kuryente sa bansa.

Sa ginanap na bilateral discussions noong 29 Oktubre, ipinahayag ng delegasyon ng Pilipinas sa pamumuno ni Tulfo kasama sina Philippine Ambassador to UAE H.E. Alfonso Ver at Special Envoy Kathryna Yu-Pimentel na kayang maisakatuparan ang oil hub sa pamamagitan ng pagtutulungan ng magkabilang pamahalaan at ng mga pribadong  kompanya.

“Pinapabilis natin ang pagtatayo ng imbakan ng langis dahil malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipinong nahihirapan tuwing nagmamahal ang presyo ng petrolyo at kuryente dahil sa wala talaga kami masyadong access sa suplay”, pahayag ni Tulfo sa mga kinatawan ng UAE.

Sumang-ayon naman ang UAE, sa pangunguna ni ADNOC Chairman Sultan Ahmed-Al Jaber, sa panukala.

Aniya, kasalukuyan na silang nagpapadala sa Petron ng humigit-kumulang 40,000 bariles ng langis kada araw, at ayon sa kanila mas mapaparami pa ito kung maitayo ang oil facility.

Target na simulan ang proyekto sa ikalawang bahagi ng 2027, kapag napagkasunduan na ang eksaktong lokasyon, gastusin, at iba pang detalye. Bukod sa imbakan ng langis, maaari din itong maging daan para sa mas malawak na pagtutulungan sa iba’t ibang uri ng enerhiya, tulad ng pagpapatayo ng mga pasilidad para sa langis, kuryente at renewable energy.

UAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with