^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol iniwan sa gate, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ang isang bagong silang na sanggol na lalaki matapos abandonahin sa ibabaw ng isang lumang mesa sa may gate ng isang bahay sa Panglao, Bohol nitong Biyernes.

Bandang alas-3 ng madaling­ araw nang madiskubre ang iniwang sanggol sa Brgy. Danao sa bayang ito.

Sa ulat ng Bohol Provincial Police Office (PPO), ang sanggol ay nakabalot sa isang kulay itim na jacket na inilagay sa ibabaw ng isang sira at lumang mesa sa may gate ng naturang residential property sa lugar.

Sa pahayag ni Myrna Ayup, 53-anyos, residente sa lugar, naalimpungatan umano siya sa pag-uha ng sanggol sa labas ng kaniyang bahay kaya’t lumabas siya para alamin kung ano ang naririnig niyang pag-iyak ng sanggol.

Laking gulat ng ginang nang madiskubre ang sanggol kaya agad niyang inireport sa Panglao Emergency Medical Response Unit (PEMRU) na mabilis namang nagresponde sa lugar kasama ang mga tauhan ng Rural Health Unit (RHU) at agad nilang sinuri ang kondisyon ng beybi matapos nilang masagip sa insidente.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with