^

Metro

4 sugatan sa bumagsak na metal truss

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang apat na katao nang mabagsakan ng bahagi ng bakal na pinagkabitan ng audio at lights sa Filoil EcoOil Centre, na ipinatayo ng organizer sa technical supplier para sa isang religious gathering, sa San Juan City noong Biyernes ng umaga, Oktubre 30.

Ayon kay San Juan City Police Chief P/Colonel Anthony Gantang, dalawa sa sugatan ang miyembro ng religious organization habang ang dalawa ay ang crew at technician na nagkakabit ng LED wall.

Nakalabas na aniya, ng ospital ang tatlo habang ang isa ay patuloy pang inoobserbahan sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng umaga nang maganap ang pagbagsak ng metal truss.

Nilinaw ng San Juan City government na nirentahan lamang ang Filoil Centre.

Agad na rumesponde ang City Disaster Risk Reduction Management Office, Philippine National Police, at Philippine Red Cross.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with