Gazini, may payo kay Michelle para manalo sa MGI

Nagpahayag ng pagkadismaya si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa kontrobersiyang kinakaharap ng ilang national representatives na posibleng hindi na makasali sa Miss Universe ngayong taon, at sinabing hindi dapat maapektuhan ang mga kandidata dahil sa gusot sa organisasyon.
Lalo niyang ikinalungkot ang sinapit ni Miss Thailand Tharina Botes na nakasama niya sa Miss Grand International All Stars. “Super sad for them... I’m just so sad that these girls are collateral damage of political differences of the organization, it just breaks my heart that their dreams are shattered,” sey ni Gazini.
Sana ay mabigyan pa rin daw ng hustisya at pagkakataong makalaban ang mga apektadong kandidata na nagbuhos ng taon ng paghahanda at sakripisyo. “That alone is nakaka-discourage siya ng motivation definitely, I just pray that they may find their voice to stand up on their own in the midst of all the chaos,” dagdag niya.
Samantala, natuwa naman si Gazini sa pagsali ni Michelle Dee sa second edition ng Miss Grand International All Stars. Nagbigay rin siya ng payo kay Michelle na pagtuunan ang botohan. “I’m so happy that she made a decision to cross over because to be honest, Miss Grand All Stars is so fun.
“Ang sabi ko sa kanya, mag-focus siya sa votings kasi it is a vote-based. No matter how strong you are, as long as you have the money, definitely you will pushed through to top 3.”
Binigyang-diin din ni Gazini na kailangan ng malaking pinansyal na suporta sa pageantry ngayon. “In this economy? Yes! Definitely you need money... you need a good team... wala nang libre ngayon,” paliwanag niya.
Hindi rin daw dapat maging biktima ng kontrobersya ang mga beauty queen na nangangarap lang makapagrepresenta ng kanilang bansa.
- Latest
























