Tiyahin kulong sa pag-rape sa 11-anyos pamangkin
MANILA, Philippines — Maaaring maging biktima ng sexual violence ang lalaki at pwede nang managot ang babae sa kasong rape sa ilalim ng pinalawak na depinisyon ng batas.
Ito ang nilinaw ng Korte Suprema, batay sa desisyong inilabas noong Pebrero 4, 2026 na kung saan ay pinagtibay ng Supreme Court en banc ang hatol sa isang tiyahin na guilty sa statutory acts of lasciviousness kaugnay sa panghahalay sa 11-anyos na pamangking lalaki.
Sa record ng korte, noong 2018 tinawag ng paternal aunt ang bata sa kama, pinahubad, at hinalay.
Noong una, hatol na guilty sa kasong lascivious conduct sa ilalim ng Republic Act A 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang ipinataw ng Regional Trial Court at Court of Appeals.
Pero, ayon sa SC, ang tamang krimen ay statutory acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, hindi RA 7610.
Ipinaliwanag ng SC na ang lascivious conduct ay para sa sitwasyon kung saan ang menor-de-edad ay nagbigay ng tila consent dahil sa impluwensya ng matanda, na hindi applicable, dahil ang 11-anyos ay walang kakayahang magbigay ng legal na consent.
Ito’y dahil noong 2018, hindi pa pasok sa depinisyon ng rape sa ilalim ng Article 266-A ng RPC ang ginawa ng babae, sa inamyendahang RA 11648 noong 2022.
Ayon sa Korte Suprema, ang dating depinisyon na lalaki lang ang maaaring gumawa ng rape laban sa babae ay nakaugat sa patriarchal na pananaw na ang babae ay pag-aari ng asawa o ama.
Ayon pa sa Korte Suprema, parehong mapaminsala ang sexual violence anuman ang kasarian ng biktima at hindi nababawasan ang kredibilidad ng biktima dahil iba ang naging reaksyon nito sa trauma.
- Latest















