^

Police Metro

Chinese Defense Attache, dinedma ni Teodoro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi sinalubong ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. si China’s Defense Attache to the Philippines Senior Captain Yang Lei kaugnay ng ginaganap na ika-13th ASEAN Defense Ministers Meeting-Plus (ADMM-PLUS) na ginaganap sa lalawigan ng Cebu.

Ito’y sa gitna na rin ng mainit na isyu sa agawan ng teritoryo ng ilang mga bansa sa West Philippine Sea (WPS) kabilang ang Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya kung saan pinakamapangahas ang China.

Ang Pilipinas ang host sa ika 20th ADDM at 13th ADDM Plus sa Lapu-Lapu City, Cebu na ginaganap mula Oktubre 28-29 bilang bahagi ng 20265 ASEAN Chairmanship nito kung saan pinangu­ngunahan ng Department of National Defense (DND) ang nasabing event.

Sa halip si Defense Undersecretary Ignacio Madriaga ang personal na sumalubong kay Lei bilang kinatawan ng China sa ADDM-Plus.

Sa mga bansang nagpartisipa sa nasabing okasyon ay si Teodoro ang personal na sumasalubong sa mga delegado na kinabibilangan ng mga Deputy Defense Ministers mula sa mga kaalyado ng bansa sa ginaganap na diyalogo ng ASEAN.

Nabatid na si Yei ang ipinadala ng Chinese Embassy bilang kinatawan sa okasyon na siyang may pinakamababang ranggo sa pagtitipon base na rin sa pahayag ng Chinese state media.

Bilang reaksiyon sa kaniyang X, dating Twitter, sinabi ni Ray Po­well, Director ng SeaLight sa Standford University Gordian Knot Center for National Security Innovation, dating Defense Attache ng US, ang mga Defense Ministers at Defense Attaches ay hindi itinuturing na counterparts sa mahalagang okasyon.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with