^

Pang Movies

Alden, sumuway sa diyos!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden, sumuway sa diyos!
Alden

Sayang at hindi isinali sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang Buddy na isang heartfelt comedy/drama.

Kumpleto sana ang sangkap nito para sa Pasko.

Pero hindi naihabol ni Direk Lucky Blanco ng MAVX Productions.

Starring sa pelikula sina Michael De Mesa, Benjie Paras, EA Guzman, Elisse Joson, Elijah Canlas, Shaira Diaz and Empoy Marquez.

Tungkol ang Buddy sa retired seaman na binisita ang kanyang mga anak na nakatira sa Finland, kung saan doon lang nito nalaman ang nararamdaman ng tatlong anak habang siya ay naghahanap-buhay sa barko upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Sa loob ng ilang dekada, isinakripisyo ng retiradong seaman na si Jojo (Michael de Mesa) ang makasama ang kanyang pamilya habang nagtatrabaho sa dagat.

Ngayong biyudo na, isinama niya ang kanyang bestfriend na si Ben (Benjie Paras) – isang TNVS driver na may sarili ring mga pagsubok sa kanyang mga anak – sa isang paglalakbay sa Helsinki, Finland, upang muling makapiling ang tatlong anak.

Pagdating doon, natuklasan ni Jojo na ang kanyang mga anak (EA Guzman, Elisse Joson and Elijah Canlas) ay may kinakaharap na mabibigat na personal na problema sa kabila ng kanilang tila perpektong buhay sa ibang bansa.  

Ang panganay na si Jake ay dumadaan sa matinding krisis sa kanyang pagsasama sa misis (ginampanan ni Shaira Diaz), ang anak na si Abby ay nakulong sa isang masakit na relasyon, at ang bunso namang si Eli ay may mga lihim tungkol sa kanyang buhay.

Labis itong ikinasakit ng loob ni Jojo lalo na at mas pinipili ng kanyang mga anak na humingi ng saya kay Ben, habang pinananatili naman ang distansya sa kanilang sariling ama.

Habang lumilitaw ang mga matagal nang nakabaong sama ng loob at tumitindi ang tensyon, napilitan sina Jojo at ang kanyang mga anak na harapin ang emosyonal kapalit ng mahabang panahong hindi niya sila nakasama. Sa gitna ng magagandang tanawin ng Finland, ang Buddy ay isang nakaaantig na kuwento tungkol sa pamilya, pagkakaibigan at ang mahirap na proseso ng reconciliation/catching up sa isa’t isa.

Nakakaiyak ang kuwento nito na isang madamdaming pelikulang pampamilya dahil sakto sa realidad ng buhay ng mga Pilipino.

Na maraming Pilipino ang nagsasakripisyo sa ibang bansa para guminhawa ang pamilya pero hindi nila alam, nag-iiwan ito ng ‘sakit’ dahil sa distansya, sakripisyo sa mga pagkakataong importante sa buhay ng kanilang kapamilya.

Pero ang maganda lang sa pelikulang ito, binabalanse ang kuwento ng totohanan at magaan na biruan sa pagitan ng dalawang matalik na magkaibigan sa nakamamangha’t malamig na tanawin ng Finland kaya hindi mabigat ang mga eksena kahit umiiyak ka na.

Sa bandang huli ay malalaman mo na ang mga bagay na sana ay ginawa mo noon ay pwede pang ayusin ng isang amang itinuring na stranger dahil sa trabaho.

Pero paano nga ba makakabawi sa ganu’ng sitwasyon sa mga batang iniwan mo?

At naniniwala si Direk Lucky na hindi kailangang artista base ang ginagawa nilang pelikula sa MAVX na maraming beses na nilang ginawa.

Mas priority niya aniya ang storytelling at ‘yun ang aniya ang direction nila.

Samantala, si Alden Richards ang isa sa mga naka-line up nilang pelikula for 2027.

Sa Japan kukunan ang mga eksena at gaganap ang controversial actor bilang isang pari.

Kina-cast pa raw nila ang mga makakasama ni Alden. Pero ang isang sigurado, si Lorna Tolentino na gaganap na ina ng actor ayon kay Direk Lucky.

Pagdating sa leading lady, sina Maris Racal at Kylie Padilla ang posibleng makasama ng actor.

Ilang years na raw nila itong binabalak pero nagkaroon ng delay sa part nila. Pero two months ago ay nag-meeting na sila. “March so far ang pinag-uusapan naming schedule at baka mag-shoot ng Manila at baka kunan sa Japan.”

At ang story aniya: “Si Alden ay parang priest na nakipag-deal kay God na gumaling sa cancer ang kanyang ina. Gumaling naman ‘yung nanay niya sa cancer, ayun sa ibang way namatay, nasagasaan.

“So parang nagrebelde siya kay God. Hanggang parang nakahanap siya ng Japayuki.”

At sa leading ladies nga: “Meron naman pong mga kino-consider, ‘di ko lang alam kung pwedeng i-announce, pero may target pa lang kami, in talks with Alden’s management so hindi pa ito alam but we’re considering Maris Racal, Kylie Padilla, parang ganun,” sabi pa ni Direk Lucky na siya rin ang nagsulat na ang title ay Stealing Heaven.

Pero hindi aniya ito co-produced ni Alden, solo ng MAVX na medyo kumalma na ang mga intriga sa actor.

Naka-establish na ang MAVX ng mga pelikula, hindi nga particular sa mga artista, sa kuwento sila tumututok tulad nitong Buddy.

At karamihan sa ginawa nilang pelikula ay sa ibang bansa nag-shoot.

Ipinapalabas ang Buddy sa mga sinehan sa Nov. 4.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with