^

PSN Palaro

Letran Knights tinusok ‘twice-to-beat’ bonus sa quarters

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinuhog ng Letran ang Arellano University, 91-77, upang sikwatin ang top spot sa Group B at ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil sa San Juan City.

Tumikada si John Es­tra­da ng 25 points, tatlong assists at tatlong steals pa­ra ilista ang 8-3 karta ng Knights.

Maagang ipinaramdam ng Letran ng kanilang lakas matapos hawakan ang six-point lead, 25-19, sa first quarter.

Nanatili ang mainit na laro ng Knights sa second period at tinambakan ang Chiefs sa halftime, 58-35.

Hindi na binigyan ng pag­kakataon ng Letran ang Arellano na makahabol sa second half upang silu­hin ang panalo.

Sa unang laro, kuma­ma­da si Fil-Canadian Da­niel Marcelo ng 16 points para tulungan ang nagde­depensang San Beda sa 61-57 paggupo sa Mapua.

Ang rookie guard ang sinandigan ng Red Lions para makahabol at ma­ku­ha ang pang-walong pa­­nalo sa 11 laro.

Nasalap ng Cardinals ang pang-limang talo sa 11 salang.

Kinuha ng Mapua ang 30-23 halftime lead bago bumida si Marcelo sa third period para ibigay sa San Be­da ang 45-36 kalama­ngan.

Hindi na napigilan ng Cardinals ang ratsada ng Red Lions sa final canto.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with