^

PSN Palaro

Eala lalabanan si Shnaider sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala lalabanan si Shnaider sa quarters
Naghanda si Alex Eala sa hataw ni Australian Talia Gibson sa Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.
STAR / File

Matapos sibakin si Gibson sa round of 16 ng Pan Pacific Open

MANILA, Philippines — Muling magtutuos sina Pinay tennis ace Alex Eala at Diana Shnaider ng Russia sa quarterfinal round.

Ito ay matapos patalsi­kin ni Eala si Talia Gibson ng Australia, 4-6, 6-2, 6-0, sa kanilang Round of 16 match sa WTA 500 Toray Pan Pacific Open kahapon sa Tokyo, Japan.

Nauna nang yumukod ang World No. 19 na si Eala sa No. 13 na si Shnaider, 5-7, 4-6, sa nakaraang Ningbo Open sa China.

Laban sa No. 38 na si Gibson, muling ipinakita ni Eala ang kanyang taglay na pusong Pinoy nang bu­mangon mula sa first-set loss para makatabla sa second frame.

“I think the key was really staying in the match, never giving up,” sabi ni Eala. “The first set was difficult but I had my chances. So I knew that if I kept my concentration, I would have more chances.”

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng 21-anyos na  si Eala sa kanilang tatlong pagtutuos ng 22-anyos na si Gibson matapos noong 2023 sa ITF tournaments.

Nagmula si Eala sa 6-1, 6-2, pagsibak kay British wildcard Mika Stojsavljevic sa Round of 32 noong Lu­nes.

Kumpara sa 17-anyos na si Stojsavljevic, nahirapan si Eala kay Gibson sa pagsisimula ng kanilang laban.

Sa kanyang pamatay na groundstrokes, hinataw ni Eala ang 5-2 abante para makahirit ng third set.

Hindi na pinagbigyan ni Eala si Gibson sa third frame para kumpletuhin ang kanyang pagresbak.

Hangad ni Eala na ma­ka­bawi mula sa naunang ka­biguan sa Singapore Open at Wuhan Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with