^

Probinsiya

Pabrika ng ‘luces’ sa Bulacan, sumabog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Isang pabrika ng paputok na luces sa bayang ito ang sumabog at nasunog kahapon ng umaga, tatlong araw matapos namang sumabog ang isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Lungsod ng Baliwag.

Auon kay Col. Jay Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO, ang mga operatiba ng pulisya ay agad rumesponde sa insidente sa Bocaue, at magsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection.

Sa kabilang banda, sinabi ni Lt. Col. Gilbert Diaz, hepe ng pulisya sa Bocaue, na ang pagawaan ng luces ay matatagpuan sa Barangay Bambang. Ito ay sumabog at nawasak bago magtanghali at namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Dagdag pa ni Diaz, inaalam pa kung sino ang may-ari ng nasabing pasilidad at kung mayroong kaukulang lisensya upang mag-operate.

Samantala, natukoy na ng mga imbestigador ang isang nagngangalang “Tony” bilang may-ari ng ilegal na pagawaan ng paputok na sumabog noong Sabado sa Purok 3, Barangay Barangca, Lungsod ng Baliwag.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with