^

Police Metro

Guro at mister natagpuang patay; bahay sinunog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa natag­puang patay ang isang 37-anyos na guro at ang kanyang mister sa labas ng kanilang bahay na nasusunog sa Purok 1, Barangay Lubiano, Pilar, Sorsogon, kama­kalawa ng madaling-araw.

Ang nasawing mister ay kinilalang si Jessie, 37-anyos at natagpuan sa harap nito ang baril na ginamit habang katabi ang bangkay ng misis nitong guro na si Wilma na kapwa may tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa salaysay ng kapatid ng biktimang si Wilma na si Layla, bandang alas-2:00 ng madaling araw ay nagising siya at ilang kaanak dahil sa ingay sa labas ng kanilang bahay.

Nang lumabas ay nagulantang ang mga ito dahil nasusunog na ang kanilang bahay habang sa labas malapit sa pintuan ay nakitang kapwa duguang nakabulagta ang mag-asawa.

Agad rumes­ponde ang mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection dahilan para mabilis na naapula ang apoy at hindi na kumalat sa buong bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo, ang pinagmulan ng sunog, at ang mga responsable sa pagkamatay ng mag-asawa na napag-alamang matagal nang naghiwalay dahil sa problema sa pamilya.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with