Estudyanteng rider, utas sa salpok ng bus
MANILA, Philippines — Isang 20-anyos na estudyante ang idineklarang dead-on-arrival matapos na salpukin ng isang pampasaherong bus ang minamaneho niyang motorsiklo sa Maharlika Highway, Barangay Panikihan, Gumaca, Quezon, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), dakong alas-12:35 ng madaling araw ay patungo sa direksyon ng Tagkawayan, Quezon ang motorsiklong minamaneho ng biktimang si Kirby nang salpukin ng bus na minamaneho ni alyas Leslie, 47-anyos.
Nabatid na nagtangka umanong mag-overtake ang bus sa isang sasakyan kaya’t naagawa nito ang kabilang linya ng kalye na kinaroroonan ng biktima at nasalpok ito.
Nasa kustodya ng Gumaca MPS ang driver ng bus na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
- Latest















