^

PM Sports

Soyud, Lacsina bumandera sa ratsada ng chargers

Russell Cadayona - Pang-masa
Soyud, Lacsina bumandera sa ratsada ng chargers
Inatake ni Eli Soyud ng Akari Chargers ang depensa ng Farm Fresh Foxies.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Akari ang ikalawang sunod na pana­lo matapos lusutan ang Farm Fresh, 25-22, 25-27, 22-25, 25-23, 15-12, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg kahapon sa Ninoy Aquino Stadium, sa Malate, Mani­la.

Matapos ang kanyang service error ay hinataw ni Eli Soyud ang game-winning point para sa back-to-back wins ng Chargers matapos ang 0-2 panimula.

Tumapos si Soyud na may 30 points mula sa 27 attacks, dalawang blocks at isang ace, habang may 21 markers at 17 excellent receptions si Ivy Lacsina.

“Kailangan lang namin bumawi doon sa mga past games namin na natalo ka­mi. Alam ko naman kasi na hindi pa iyon ang potential ng team,” sabi ng 30-anyos na si Soyud.

“Mas ipa-polish pa na­min iyong mga naging ku­lang namin in this game and mas magtitiwala pa ka­mi sa isa’t isa,” dagdag pa ng tubong Bago, Negros Occidental.

Nag-ambag si Fifi Shar­ma ng 11 points at may 22 excellent sets si Mars Alba, samantalang may 23 digs si libero Justine Jazareno.

Pumalo si Trisha Tubu ng 25 points para sa Foxies na bigong makadiretso sa ikalawang sunod na panalo para sa 2-2 marka.

Matapos makatabla sa fourth set, 25-23, kinuha ng Akari ang 14-11 abante sa fifth frame mula sa hataw ni Alba at block ni Shar­ma kay Royse Tubino ng Farm Fresh.

Nakadikit pa ang Fo­xies sa 12-14 matapos ang service error ni Soyud.

Ngunit bumawi si So­yud at hinampas ang nag­panalong puntos para sa Chargers.

“Siguro nagkaroon lang kami ng magandang con­nection sa bawat isa kaya ‘yung gustong mangyari, nai-translate sa puntos,” sabi ni Akari deputy coach Eddieson Orcullo matapos ang kanilang pana­lo.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with