^

PM Sports

SMB, GSM agawan sa 1-0 lead

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agawan ng tagay ang San Miguel at Barangay Gi­nebra, habang magbi­binyagan din ang Rain or Shine at Converge sa Game One ng PBA Season 50 Governors’ Cup best-of-five crossover quarterfi­nals sa Smart Araneta Coliseum.

Unang sasabak ang Group B No. 2 seed Elasto Painters at Group A No. 3 seed FiberXers ngayong alas-5:15 ng hapon bago ang sagupaan ng sibling rivals na Beermen, segunda sa Group A, at Gin Kings, tersera sa Group B, sa alas-7:30 ng gabi.

Nauna nang nakaiskor ng panalo ang reigning champion TNT Tropang 5G (Group A No. 4) kontra sa Magnolia (Group B No. 1), 92-70, tampok ang series winner kontra sa mananalo sa pagitan ng Ginebra-SMB.

Nasa kabilang bracket ang Group A top seed NLEX na nakaiskor ng dikit na 97-92 panalo kontra sa Group B 4th seed Phoenix.

Sinumang magwagi sa race-to-three series ay haharapin ang mananalo sa pagitan ng RoS at Converge.

Sa unang pagkakataon ay hindi si Justin Brownlee ang masasandalang alas ng Ginebra sa playoffs matapos makasama ang resident import at Gilas Pilipinas naturalized player sa paghahari sa Commis­sio­ner’s Cup nitong taon.

May iniindang leg in­juries at problema sa puso si Brownlee kaya hindi nakabalik sa Governors’ Cup tampok si Jordan Mur­phy na siyang aasahan ni head coach Tim Cone.

Nakahabol sa playoffs ang Ginebra sa kabila ng maalat na 2-4 simula sa likod ng tatlong panalo sa huling apat na laro sa pa­mumumuno ni Murphy.

Subalit hindi magiging basta-basta ang kanyang kaharap sa katauhan ni George King ng Berrmen na mano-mano ang laban kontra kay Deone Burton ng NLEX para sa Best Import award.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with