^

Pang Movies

Dingdong, pinatatakbo talagang senador!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dingdong, pinatatakbo talagang senador!
Dingdong Dantes at Marian Rivera

Itinanggi na officially ni Marian Rivera ang matagal nang kumakalat na tsismis na minsan niyang ikinulong ang isang diumano’y pinagselosang aktres sa loob ng banyo.

Hindi raw talaga naganap ang ganung pangyayari.

Binuhay nga sa kanyang guest appearance sa Gandang Gabi Vice ang nasabing intriga nang tanungin siya ni Vice Ganda upang once and for all ay kumpirmahin kung totoo ang tinatawag na “padlock” incident.

Inamin naman ni Marian na nagkaroon siya ng petty quarrel sa nasabing aktres na hindi binanggit ang pangalan, pero alam naman ng lahat na si Bela Padilla, ngunit matagal na raw silang nagkaayos privately

Pagdidiin ni Marian sa tanong ni Vice : “Pero kung ang tanong mo ay, ‘Nangyari ba talaga?’ Hindi”

“’Yung totoo niyan, maayos na kaming dalawa. Noon pa man, way, way back na, at hindi-hindi ko makakalimutan na nag-guest siya Marian show.

“At tinanong ako ng staff kung maggi-guest ito kung pwede, at nag-ok ako,” sagot pa ni Marian sa programa ni Vice sa GMA 7.

“So, okay na ako doon. Ang mahalaga kaming dalawa, ‘pag nagkikita kami, okay na kami. At ako para sa akin, napatawad ko na siya.”

Matagal ngang nanahimik si Marian tungkol dito dahil naganap ito noong 2016. Saka naniniwala raw siyang nakabuo na ng sariling kuwentp ang mga tao tungkol sa nasabing pangyayari. “Nag-sorry siya sa akin. So, from there, alam niya na may mga nangyari na hindi naman talagang nangyari. Para sa akin, hindi ko na kailangan i-explain sa social media, ” dagdag pa niya.

Katwiran pa niya, paano niya ipa-padlock eh ‘di pareho silang nakulong sa banyo.

Hindi pa noon kasal sina Dingdong at Marian.

Maalalang sumabog noon ang isyung diumano’y kinulong ni Marian si Bela sa isang comfort room dahil sa sobrang selos habang ginagawa nina Dingdong Dantes at Bela ang teleseryeng Endless Love.

Nauna na itong idinenay ni Bela.

Anyway, abala ngayon si Marian at Dingdong sa pelikula nilang Remember na showing na sa November 11.

Nagsilbing shooting location sa kauna-unahang pagkakataon ang Quebec, Canada, para sa isang pelikula tungkol sa pag-ibig, pag-asa, at pagbibigay ng panibagong pagkakataon.

Mapapanood ito sa mga sinehan sa buong bansa simula Nobyembre 11 (Miyerkules).

Sa naganap na media conference ng pelikula, pinuri ni Dingdong ang mahusay na pagganap ni Marian bilang si Ria at sinabing mas na-motivate siyang pagbutihin ang kanyang pagganap bilang Joseph dahil dito.  “Kakaiba talaga yung portrayal ni Marian dito. Kahit araw-araw ko na siyang nakikita, pero noong nag-roll na yung camera ni Direk Mae, talagang ibang tao yung nakita ko.

“Yung performance kasi ni Marian gave me more reason to step up as Joseph, ibang klase talaga,” pahayag ni Dingdong na pasok sa isang senatorial survey. Nasa number 12 siya.

Samantala, pinasalamatan ni Marian ang pagiging open ni Dingdong bilang aktor na nakatulong sa kanya upang mas malayang maipakita ang iba’t ibang emosyon ni Ria.

“Hindi ako natakot na magbigay ng iba’t ibang klaseng emosyon na nasasakyan niya at ino-open niya, niyayakap niya, kaya naging madali sa akin na hubugin yung character ni Ria,” ani Marian.

Humanga naman si Direk Mae kina Marian at Dingdong sa dedikasyon at passion na pinakita ng dalawa sa pelikula.

Kasama rin sa Remember sina Joross Gamboa, Kyle Echarri, at Ana Abad Santos.

Kinunan sa Quebec, Canada, ang Remember ay pinagsamang produksyon ng Star Cinema, APT Entertainment, Agosto Dos Media, at Regal Entertainment.

Mapapanood ito sa mga sinehan sa buong bansa simula Nobyembre 11 (Miyerkules). Susundan ito ng international screenings sa UAE, Qatar, Bahrain, Australia, at New Zealand sa Nobyembre 12, at sa US, Canada, at Guam sa Nobyembre 13. Mapapanood din ang pelikula soon sa Malaysia at Singapore.

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with