^

PM Sports

Burton, Bolick binuhat Road Warriors sa game 1

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Burton, Bolick binuhat Road Warriors sa game 1
Pilit iniwanan ni Robert Bolick ng NLEX si Phoneix import Marcellus Earlington.
PBA Image

MANILA, Philippines — Naitakas ng NLEX ang ga-hiblang 97-92 panalo kontra Phoenix upang makauna sa best-of-five quarterfinal series ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Muntik malustay ng No. 1 Road Warriors ang 15-puntos na kalamangan sa second half bago sumandal kay import Deonte Burton sa endgame para sa 1-0 kartada kontra sa No. 4 subalit palabang Fuel Masters.

Tumabo ng 27 puntos at 11 rebounds si Burton para giyahan ang Road Warriors.

Tampok dito ang apat sa huling limang puntos ng NLEX na lahat ay mula sa freethrows upang buhusan ang maliyab na balikwas ng Phoenix sa huling dalawang minuto.

Umagapay si Robert Bo­lick na may 20 puntos, apat na rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Solido rin ang ambag nina Schonny Winston at Anthony Semerad na may 13 at 11 puntos, ayon sa pag­kakasunod.

Ito ang unang panalo ni coach Jimmy Alapag sa unang subok pa lang sa playoffs matapos umuwi ng bansa mula sa NBA bilang assistant coach ng Sacramento Kings.

Subalit hindi ito naging madali matapos muntikang maubusan ng gasoli­na ang NLEX sa second half mula sa 71-56 abante.

Natapyas ito ng Fuel Mas­ters sakay ng 17-6 rat­sada upang makalapit sa hanggang 73-77 papasok sa payoff period.

Nakalipad pa ang Phoenix sa hanggang 89-90 matapos ang layup ni Ken Tuffin sa huling tatlong minuto bago binuhat ni Burton ang NLEX mula sa freethrow line.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with