^

Pang Movies

Carla, gusto nang magtrabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla, gusto nang magtrabaho
Carla ­Abellana

Marami ang naka-relate sa panawagan ni Carla ­Abellana na kung iisipin ng iba, hindi big deal, pero sa mga nakakaranas ng mga guma­gamit nito, napapanahon ang panawagan ng aktres.

“Dear bra companies, I am BEGGING you to stop making bras with removable pads. Nobody wants to spend 10 minutes trying to shove a folded-up triangle back into a tiny hole after laundry day. WE ARE TIRED.”

Kabilang sa mga nag-react ay may kasamang suggestion kung paano ang dapat gawin para hindi hassle ang removable pads, kaya lang, baku-bako nga lang ang bra. Siguro naman nakarating na sa bra manufacturers ang panawagang ito ni Carla at gagawan nila ng paraan.

Speaking of Carla, tila matagal na siyang walang project sa GMA, nami-miss na siya ng kanyang fans. Nag-post na rin si Carla at tinag ang GMA at sinabing maluwag ang schedule niya at puwede siyang gumawa ng series.

Alden, pinayuhang magdemanda ng cyber libel

Ginalit ni Xian Gaza ang fans ni Alden Richards sa pagpapakalat nito ng fake news. Pinuntirya nito ang collection ni Alden ng watches, pati ang condo na matagal tinirahan. Tinawag pa nitong scammer si Alden na tinawanan lang ng mga nakapanood ng video ni Gaza.

Ang daming fake news na binanggit ni Gaza at naniniwala ang fans na kaya malakas ang loob nito na siraan si Alden dahil wala siya sa bansa. Hindi siya makasuhan.

Kaya may suggestion ang isang fan ni Alden at pinost nito online, hoping na mabilis makarating sa aktor.

“There’s a way to send Gaza home. If you have enough connections and influence with the Government, you can ask the PNP, NBI, or even DOJ to file a motion in court for the cancellation of his passport because Gaza still has a pending arrest warrant. Remember, he escaped the country because of that.

“Once the court issues an order for his passport cancellation, they can notify the DFA. The DFA should cancel his passport. The Thai immigration or Interpol can be informed that Gaza is now an undocumented alien in Thailand. He can get deported once caught.”

Tinag ng ibang fans ni Alden si NAPOLCOM Commissioner Atty. Rafael Calinisan na tulungan si Alden na makakuha ng justice kay Gaza. Kaibigan at close si Alden kay Calinisan dahil ang lola nito ay fan ni Alden at minsan siyang binisita ng aktor nang magkasakit. Kung hihingi raw sa kanya ng tulong ang aktor, siguradong agad aaksyunan.

Wala pang reaksyon si Alden sa paninira sa kanya ni Gaza, pero kung babalikan ang past interviews nito, lagi nitong sinasabi na wala na siyang pakialam sa bashers. “Wala akong pake sa kanila!” ang sagot nito at siguradong ito rin ang isasagot sa paninira sa kanya ni Gaza.

Pee Mak, may pa-victory

Nakakatuwa, may pa-victory screening ang Viva Films ng hit movie na Pee Mak at mangyayari ito bukas, Oct. 26, 5:15 p.m. sa SM City Fairview. Ticket price is at P275 at makakasamang manood ng fans sina Bea Binene, TJ Valderrama at Jairus Aquino.

May mga susunod pang victory screening of the said movie kung saan makakasama ng moviegoers ang ilan sa cast na manood. May mga request na sana kumpleto ang cast na manonood sa victory screening para raw mas masaya.

CARLA ­ABELLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with