^

PSN Showbiz

RK kabado lagi kay Sharon, handang mag-frontal!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
RK kabado lagi kay Sharon, handang mag-frontal!
RK Bagatsing
STAR / File

Ang nakatatandang kapatid na si Raymond Bagatsing ang nagsilbing inspirasyon kay RK Bagatsing upang sumabak din sa show business.

Para kay RK ay isa ang kanyang kuya sa mga pinakamagaling na aktor sa bansa. “Si Raymond Bagatsing, isang napakagaling na aktor. I can say siya ang nag-inspire sa akin para pasukin ‘to. When I was a kid dinadala niya ako sa set ng mga teleserye niya. I always watch behind the camera and sobrang tuwa ako sa nangyayari, sa chaos, and how scenes are being made. Eventually, sabi ko, parang gusto kong gawin ‘yan.

“I remember vividly, every time lalapitan siya ng mga tao and magpapa-picture sa kanya, tuwang-tuwa ako. Everywhere we go, pupunta kami sa mall, ‘yung mga tao ‘yung ngiti every time makikita siya, magpapa-picture sa kanya. Sabi ko, ‘Ang sarap naman sa pakiramdam no’n and maybe someday I can be like that also,’” nakangiting kwento sa amin ni RK sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kahit kasikatan noon ng kanyang Kuya Raymond ay hindi rin naging madali ang pagpasok ni RK sa industriya. Nakaranas ng maraming rejections noong nagsisimula pa lamang si RK. “Doon ako nagsimula, it used to be my breakfast, lunch, dinner. Ten years ago, do’n ako nagkaroon ng steady na trabaho. But prior to that, napakaraming auditions na pinagdaanan ko and sobrang sinubok ako na, para sa akin ba ‘to or not? Magkakaroon ka ng isang magandang project and you feel na it’s your break. Ito na ‘yung break mo and after that ilang months kang walang trabaho. And the confusion, doubts, insecurity, fear. Mayroon akong isang ginawang project, after the project may nakausap akong isang tao behind that project.

“And he specifically said, ‘Actually, hindi naman talaga ikaw ‘yung first choice eh. Dapat hindi ikaw ‘yung kinuha.’ He was unhappy about my work and I was starting out then. It sticks with me, medyo nasaktan ako. Umiiyak ako habang nagmamaneho pauwi. May mga auditions ako hindi ko naman sinasabi ‘yung surname ko eh before. I really want it to be my own. So lahat ng no, sa akin ‘yon. Lahat nang yes, no’ng nakuha ko, I earned it. ‘Yon ang gusto ko,” paglalahad ng binata.

Ngayon ay napapanood si RK sa Honor Thy Mother na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng aktor ang nag-iisang Megastar sa naturang Amazon Prime Video series. “Kapag nag-eeksena kami, of course I have to be present all the time. I have to do my best sa lahat ng eksena namin. Siyempre ayaw kong magkamali. I don’t wanna mess up my lines.

“‘Yung Megastar kumikinang sa harapan ko, nai-starstruck ako. Grabe ‘yung kaba ko. Ito kasing Megastar nakikipagbiruan sa iyo, tawa-tawa. Then pag-‘action!’ nando’n na siya agad. It’s one thing also na natututunan ko. But nandiyan ‘yung kaba, nandiyan ‘yung takot, but ‘yung respeto ko. I have to be present and give my best always sa harap niya, grabe, nakakatuwa,” pagbabahagi ng aktor.

Madalas na nagpapakita ng katawan ang binata sa mga proyektong ginagawa. Nakahanda raw gumawa ng mag-frontal nudity ni RK kung talagang kinakailangan ito para sa istorya. “I won’t back down sa isang challenge lalo na sa isang role if I see fit. Kailangan ‘yon sa isang specific project. It would be something na mako-conquer ko. Kung maganda sa kwento, why not?” nakangiting pahayag ni RK.

(Reports from JCC)

RK BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with