Aktres, feel na feel ‘pag pinagkakaguluhan!
Gusto ng aktres na ito na lagi siyang center of attraction sa bawat pinupuntahan niya.
Feel niya na pinagkakaguluhan siya at pinag-uusapan.
Eh nang may importanteng lakad nitong nakaraang araw na siya ang involved, naka-schedule siyang pumunta sa isang importanteng tao.
Maaga siyang nag-ayos para pagdating niya sa taong kausap, eh artistang-artista siya!
Eh kaso, may nagsabi sa kanyang may naunang schedule ang taong kausap niya. So ang ginawa niya, iniba ang araw at oras ng pagpunta niya sa importanteng tao!
Waging-wagi naman si aktres dahil pinagkaguluhan siya nang dumating siya sa office ng taong kausap nang walang kasabay kaya nakasentro ang lahat ng atensyon sa kanya!
Donny, dedma sa pantasya ng Baby Doll!
Wala namang isyu kay Donny Pangilinan kung pagpantasyahan siya ng isang member ng Baby Dolls sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice.
Nag-alburoto ang isang grupo ng fans ni Donny na may pa-statement pa sa pag-sexualize sa aktor, huh!
Pasalamat nga sila at may nagpapantasya kay Donny. Magulat sila kung walang nagnanasa sa idolo nila!
Naku, nung kabataan ng nanay niyang si Maricel Laxa, marami rin ang nagpantasya sa kanya, huh! Lalo na kapag nakasuot siya ng two-piece bikini!
Pero walang isyu ng sexualization kay Maricel dahil na-maintain niya ang wholesome image niya kahit may sexy photos, huh!
- Latest



















