^

Pang Movies

Kokoy, binuhay ang pa-‘victim’ ni Rhen!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kokoy, binuhay ang pa-‘victim’ ni Rhen!
Kokoy

Nagsalita si Kokoy de Santos kaugnay ng kontrobersyal na Instagram post ng ex-girlfriend niyang si Rhen Escaño.

Nagsimula ang isyu nang muling iere sa Magpakailanman ang buhay ni Kokoy, kung saan itinampok ang relasyon niya sa isang ‘di pinangalanang artista na umano’y nag-cheat sa kanya. Bahagi ng post niya noong i-replay ito:“He made her the villain in his story. She stayed quiet for so long to save him... Pero 2026 na, pa-victim ka pa rin?”

Paliwanag ni Kokoy, unang ipinalabas ang episode noong 2023 at replay lang noong 2025. Wala rin daw siyang binanggit na pangalan. “Ginawa kasi ‘yung MPK, 2023. Ni-replay siya last year, 2025. Kung sabihin natin na ako talaga ‘yung pinapasaringan, magre-react ka sa replay, hindi ko alam. Wala ako ni-name drop,” aniya.

Kwento niya, isinama lang niya ang karanasan sa ex dahil kulang sa drama ang buhay niya, pero ibang pangalan ang ginamit. Giit pa ni Kokoy, matagal na siyang naka-move on at nagkapatawaran na sila. “Baka tinamaan? Wala naman akong sinasabi kung sino ‘di ba? Hindi naman na ako bitter pa, tagal na no’n... May kani-kaniya na tayong buhay. Naalala ko kung siya man ‘yan, may interview, nagkapatawaran na kami, bakit mo ako inaaway ‘di ba? Pa-victim? Hindi ko gawaing maging pa-victim.”

Rajo, naapektuhan sa finale ni Regine

Nag-throwback si Rajo Laurel sa simula ng kanyang career matapos makita ang isang lumang litrato sa backstage ng unang major concert ni Regine Velasquez.

Sa Instagram post noong Oct. 21, sinabi ng fashion designer na naging nostalgic siya habang naghahanda sa kanyang 33rd anniversary gala para sa Asian Fashion Week at matapos dumalo sa Finale concert ni Regine. “A wave of nostalgia has been occupying my mind lately... I find myself looking back at where it all began,” aniya.

Kuwento ni Rajo, may kaibigan na nagpakita sa kanya ng lumang photo sa concert. Kuha ang photo sa backstage ng unang major concert ni Regine na Narito Ako sa Folk Arts Theatre in 1990. Eighteen years old pa lang si Rajo noon at nag-a-assist sa mentor niyang si Louie Mamengo na gumagawa ng costumes ni Regine. “I love this picture so much because it reminds me of where I began, of the people who helped shape me, and of a time when we were simply young, passionate, and finding our way,” caption niya.

In the past three decades, isa sa most prominent and influential Filipino fashion designers si Rajo. Naging household name siya sa Philippine fashion, balancing high-end artisanal craftsmanship with modern, wearable silhouettes.

Oscar-winner Dame Judi Dench, ‘di na nakakabasa!

Ibinahagi ng 91-year-old Oscar-winning actress na si Dame Judi Dench na hindi na siya makakaarte sa entablado o makakabasa dahil sa kondisyon sa mata.

Na-diagnose si Dench na may age-related macular degeneration (AMD) noong 2012, na labis na nakaapekto sa kanyang paningin at nahihirapan na siyang makakilala ng mukha. “I can’t be on stage. I can’t do a play anymore. I can’t do a film anymore. I can’t read anymore,” sey ni Dench na huling naging pelikula ay Allelujah noong 2022.

Mahigit pitong dekada na si Dench sa larangan ng pag-arte at isa sa pinakatanyag na aktres sa Great Britain. Nanalo siya ng Academy Award for Best Supporting Actress bilang Queen Elizabeth I sa Shakespeare in Love noong 1999, at nakilala rin bilang “M” sa James Bond films simula sa GoldenEye noong 1995 – ang unang babaeng gumanap sa role na iyon.

Ilan sa mga naging pelikula niya ay A Room With A View, Her Majesty Mrs. Brown, Chocolat, Notes On A Scandal, Iris, Phelomena, Victoria and Abdul, The Best Exotic Marigold Hotel, Cats and Belfast.

KOKOY DE SANTOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with