^

Police Metro

18 katao patay sa dengue sa Agusan del Sur

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 18 katao na ang naitalang nasasawi sa dengue sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Sa report na nakalap sa Agusan del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office­ (PDRRMO) mula sa Provincial Health Office (PHO), ang nasabing bilang ay naitala mula Enero 1 ng taong ito.

Kaya naman ay nagdeklara ang PDRRMO ng province wide dengue outbreak sa lalawigan umpisa pa nitong Oktubre 1 bunga ng pagtaas ng kaso ng mga residenteng tinatamaan ng nasabing karamdaman.

Ang dengue ay mula sa virus sa kagat ng lamok na may aedes aegypti na nakamamatay kung hindi maagapan kaagad lalo na sa hanay ng mga bata at mga matatanda.

Kabilang sa mga dina­puan ng dengue ay ang mga bata at mga tinedyer na nagkakaedad na 10-14 anyos o nasa 18.24 % ang kabuuang kaso.

Nito lamang nakalipas na Setyembre 29 ay naka­pagtala ang Agusan del Sur ng 2,018 kaso ng mga tinamaan ng sakot na dengue kung saan ay 14 katao ang naitalang namatay.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with