^

Probinsiya

Tserman, 17 beses binaril ng tandem sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tserman, 17 beses binaril ng tandem sa ambush!
Kinilala ang biktima na si Brgy. Dinaig Proper Chairman Ahmad Jabiden na milagrong nagtamo lamang ng bahagyang sugat sa kaniyang tiyan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Milagrong nakaligtas ang isang barangay chairman matapos na 17 beses na paputukan ng bala ng riding-in-tandem na mga salarin sa naganap na ambush sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Brgy. Dinaig Proper Chairman Ahmad Jabiden na milagrong nagtamo lamang ng bahagyang sugat sa kaniyang tiyan.

Si Jabiden ay idineklarang nasa ligtas ng kondis­yon matapos itong mabilis na maisugod sa Cotabato Regional and Medical Center.

Batay sa report ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (MPS) nangyari ang pananambang sa biktima bandang alas-3:30 ng hapon sa nasabing lugar.

Lulan si Jabiden ng rescue vehicle ng kanilang Barangay nang paputukan ng sunud-sunod ng mga armadong salarin na lulan ng motorsiklo at matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas sa crime scene patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang 17 basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa crime scene na malapit lamang sa himpilan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Brgy. Awang ng nasabing bayan.

MAGUINDANAO DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with