^

Pang Movies

Alamat, dadalhin ang Pinas sa France!

RATED A - Aster Amoyo - Philstar.com

Ire-represent ng P-pop group na Alamat ang Pilipinas sa The A Festival sa Paris, France sa Oct. 24 at 25, 2026.

Binubuo ang grupo nina Taneo, Mo, Jao, Tomas, R-Ji, at Alas, na maghahatid ng performance na magtatampok ng musikang Pinoy at kulturang Pilipino sa harap ng international audience.

Ibinahagi ni Jao na matagal na nilang pinaghahandaan ang show. “Since last month, pinaplano na talaga namin kung paano ang magiging structure ng concert, ano ang ire-represent natin sa The A Festival. Although we haven’t gone through rehearsals yet, pero plantsado na ang mga plano namin,” ani Jao.

Dagdag pa niya, gusto nilang sorpresahin ang manonood at buksan ang isipan sa performance nila kahit hindi pa sila kilala.  “As always, gusto naming magbigay ng surprise para sa audience. Hindi kailangang kilalang-kilala mo ang Alamat. We also want the viewers to come with open minds kasi we wanna bring the Philippines to them.”

Para naman kay Tomas, higit pa sa pagiging Alamat ang bitbit nila sa Paris.  “Actually, pinag-usapan namin no’n, ‘Dito, pupunta tayo hindi as Alamat. As Pilipinas tayo pupunta kasi kami yung magre-represent ng Philippines sa Paris. .”

Kilala sila sa pagsasama ng wikang Filipino, cultural references at tradisyunal na impluwensya sa kanilang musika, tulad ng sa mga kantang Maharani, Dagundong, at Day and Night.

Pinagsasama-sama ng The A Festival ang mga artista mula sa Asian entertainment industry para ipagdiwang ang contemporary Asian culture.

Samantala, nakatakda rin nilang idaos ang kanilang major concert na Alamat: The Legendary Experience sa Nov. 8, 2026 sa New Frontier Theater.

Sa direksyon ni Paolo Valenciano, inaasahang magiging immersive ang production na pagsasamahin ang modernong stagecraft at Pinoy cultural identity ng grupo.

Charo at Piolo, may titigan

Nag-surprise appearance si Piolo Pascual sa online series ni Charo Santos Concio na Rich Boyfriend’s Mom.

Ang Rich Boyfriend’s Mom ay serye ng vertical shorts kung saan ginagampanan ng Maalaala Mo Kaya host ang isang ina na tutol sa karelasyon ng kanyang anak.

Sa latest episode na in-upload noong Biyernes, makikita ang karakter ni Charo na nasa restaurant at kausap sa telepono ang kanyang “amiga” tungkol sa nagugustuhan ng anak, na masama niyang pinag-uusapan. Habang sinasabi niyang “unexciting” at “vapid” ang babae, bigla siyang natigilan nang makita ang karakter ni Piolo.

Bigla na lang niyang nasabi ang mga salitang “handsome,” “magnetic,” at “electrifying.” Nalag­lag pa niya ang kutsara, at pinulot ito ni Piolo. Nagtapos ang eksena sa pagtitigan nilang dalawa habang tumutugtog ang Closer You and I ni Gino Padilla.

Kabilang ang Rich Boyfriend’s Mom sa mga content sa social media page ni Santos, kung saan sumikat siya bilang content creator at social media darling, bukod sa kanyang matatag nang karera bilang aktres sa TV at pelikula.

FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with