^

Police Metro

Kabaong posibleng ginamit sa drug smuggling - DILG

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang hinala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginagamit ang mga kabaong sa mga air ambulance service upang magpuslit ng ilegal na droga patungo sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na posibleng matagal nang ginagawa ng pilotong si Rioklyn “Boyet” Toledo ang taktikang ito.

Ang hinalang ito ay umusbong matapos ang imbestigasyon sa isang malaking operasyon ng drug smuggling mula sa ibang bansa.

Ayon kay Remulla, sa pagsusuri ng mga  otoridad na may mga nakaraang biyahe si Toledo sa Thailand at Malaysia na “nagsundo”  umano  ng mga bangkay.

Hinala ng mga imbestigador, itinatago ang droga sa loob ng mga kabaong upang makalusot sa inspeksiyon sa paliparan.

Itinuturing na person of interest si Toledo sa imbestigasyon sa 521 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.5 ­bilyon na nasamsam sa Laos at umano’y nakatakdang ­ipasok sa Pilipinas.

Ayon kay Remulla, si Toledo rin ang kumuha umano ng pribadong eroplano mula Malaysia na ginamit sa operasyon.

Nauna nang itinanggi ni Toledo ang mga paratang laban sa kaniya at sinabing kusa siyang humarap sa mga otoridad para makipagtulu­ngan sa imbestigasyon.

Pinaghihinalaang nagpondo sa operasyon si da­ting Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang.

Idinagdag pa ni Remulla, kumpiyansa ang mga imbestigador sa kanilang nakalap na ebidensiya, bagama’t wala pang kasong isinampa laban kay Rimbang kaugnay ng shipment.

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with