^

PM Sports

Obiena nanawagan sa mga bashers ni Eala

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suporta imbes na kritisismo ang panagawan ni EJ Obiena sa mga kapwa atleta sa kalagitnaan ng mga talak ng sambayanan kay Alex Eala na walang puknat ang balentong ngayon sa WTA Tour.

“We are human. Athletes may sometimes be treated like gods. But we are not. We have good days and bad days, just like everyone else. One result cannot define a person,” anang world No. 10 na si Obiena sa kanyang post sa Facebook.

“Support matters. If you want to help Alex, me, or any athlete, pick us up when we are down. Harsh comments are not the support that helps us return stronger.”

Kagagaling lang ni Obiena sa back-to-back championships sa 20th Asian Games sahog pa ang bagong Asiad record subalit hindi maiwasang magbigay ng suporta sa kanyang kapwa national athlete.

Bilang No. 1 seed kasi at world No. 18, yumukod si Eala sa semifinals ng Asiad kontra sa No. 85 na si  Xiyu Wang ng China upang magkasya sa bronze medal sa ikalawang sunod na edisyon.

Semplang din si Eala sa WTA Tour bilang No. 3 seed sa WTA500 Singapore Open Round of 16 kontra sa No. 180 na si Tatiana Prozorova ng Russia bago masibak agad sa Round 1 ng WTA1000 Wuhan Open bilang No. 13 seed kontra sa No. 217 na si Han Shi ng China.

Bunsod nito ay nalag­lag na ngayon sa No. 20 si Eala sa world rankings na dahilan ng walang puknat na puna mula sa ibang Pinoy.

 

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with