‘Marawi siege’ ginunita, sundalo at pulis pinarangalan

COTABATO CITY, Philippines — Pinarangalan ng mga military units sa Mindanao, sa pamamagitan ng mga symbolic honor rites nitong Sabado, October 17, ang mga sundalo at pulis na nasawi sa 2017 Marawi City siege nang makengkuwentro ang mga kasapi ng mga nabuwag na Maute at Abu Sayyaf terror groups.
Pinangunahan ni Major Gen. Alvin Luzon, pinuno ng 10th Infantry Division, nitong Sabado ang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng liberation ng Marawi City mula sa mga teroristang Maute at Abu Sayyaf sa pamamagitan ng isang wreath-laying ceremony sa Heroes Memorial Park sa Camp Gen. Manuel Yan, Sr. sa Mawab, Davao de Oro, kung saan matatagpuan ang headquarters ng 10th ID.
Sa tala ng Lanao del Sur del Sur at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasa 168 ang nasawi mula sa Philippine Army, Philippine Marine Corps at Philippine National Police sa mga labanan sa Marawi City noon na pinasimulan ng magkakamping Maute at Abu Sayyaf Group, na sanhi rin sa pagkamatay ng 87 na inosenteng sibilyan na naipit sa mga engkuwentro at ginawang mga “human shields” ng mga terorista.
Si Major Gen. Luzon, na isa pa lamang colonel noon, ay malawakang nakibahagi sa mga operational planning at intelligence coordination activities kaugnay ng anti-terror operation ng pamahalaan laban sa mga Maute at Abu Sayyaf terrorists na nanggulo sa Marawi City, ang provincial capital ng Lanao del Sur.
- Latest

















