Lola nagpahinga sa labas ng bahay, dedo sa SUV
MANILA, Philippines — Dead-on-arrival sa ospital ang isang 65-anyos na babae nang araruhin ng isang SUV na minamaneho rin ng isang senior citizen sa Taytay, Rizal, Sabado ng umaga.
Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), matinding pinsala sa ulo ang ikinasawi ng biktimang si alyas “Conchie”, residente sa nasabing lugar.
Sugatan din ang pasahero ng SUV na isang 12-anyos at 36-anyos.
Naganap ang insidente dakong alas- 8:40 ng umaga, kung saan pumalya umano ang preno ng SUV kaya hindi na nakontrol ng 71-anyos na driver ang sasakyan at dumiretso sa nakaupong matanda na nagpapahinga sa labas ng kanyang bahay.
Nauwi naman sa amicable settlement ang usapan ng magkabilang partido kaya hindi na umabot sa pagsasampa ng reklamo.
- Latest


















