Anti-piracy exercise ng PCG at Japan Coast Guard, larga na sa Maynila
MANILA, Philippines — Isasagawa ngayong araw, Oktubre 18, ang anti-piracy exercise ng Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa Manila Bay sa Linggo, para palakasin ang maritime security cooperation at pahusayin ang kakayahan sa pagtugon sa insidente ng piracy.
Kasunod ito ng pagdating ng JCG vessel Shikishima sa Eva Macapagal Pier 13 sa Maynila noong Oktubre 16, na mananatili hanggang Oktubre 18.
Sinabi ni PCG acting deputy chief of staff for international affairs Commodore Algier Ricafrente, “first time” na nakapunta sa Pilipinas ang bagong barko na na-commission lamang nitong 2025.
“It just so happened na we just conducted the maritime pollution exercise in Bitung, Indonesia, at kasama nga itong barko na ito,” ani Ricafrente.
Kabilang sa tutukan sa exercise ang pag-akyat at pagrikisa sa mga barkong pinaghihinalaang may iligal na gawain, gayundin sa pagpapabuti ng kakayahan ng dalawang coast guard sa pagtugon sa piracy sa dagat.
Bahagi ang exercise ng strategic partnership ng Pilipinas at Japan at ng kanilang pagsisikap na palakasin ang regional cooperation laban sa piracy at armed robbery at sea, kabilang na sa pamamagitan ng Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery against Ships in Asia (ReCAAP).
Magde-deploy ang PCG ng dalawang barko na may habang 197 metro at 144 metro para sa aktibidad na gaganapin sa karagatan ng Manila Bay malapit sa isang maritime corridor.
- Latest
















