Atty. Baligod at 14 ‘maleta boys’, inaresto
MANILA, Philippines — Inaresto sa San Juan City si Levi Atty. Baligod at 14 na indibiduwal na tinaguriang “maleta boys” sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong unjust vexation.
Ayon kay San Juan City Police, Chief Colonel Anthony Gantang na isinilbi ang warrant of arrest nitong Biyernes ng umaga kay Baligod at 14 na kasamahan sa harap ng Hall of Justice sa San Juan City.
Ang arrest warrant ay inisyu ng Zambales Regional Trial Court (RTC) noong Setyembre 23 na may inirekomendang P10,000.00 piyansa bawat isa para sa kasong unjust vexation.
Ang reklamo ay inihain laban kaugnay ng mga pahayag at isyu ng “maleta deliveries” na isiniwalat ng grupo (na nagsasabing sila ay dating bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co), kung saan kabilang sa mga naghain ng reklamo ay si dating National Security Adviser Eduardo Año.
Sa ilalim ng Rules of Criminal Procedure, ang mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts ay maaaring ipatupad sa buong bansa, kaya maaaring isilbi ng mga law enforcement officer ang mga ito kahit sa labas ng hurisdiksyon kung saan ito inilabas at maaari ring doon na maglagak ng piyansa.
Ang grupo ay nakakulong sa San Juan Police Station habang inaasikaso ang kanilang piyansa.
- Latest



















