^

Pang Movies

Negosyante, nagbabayad para sa live na tsugian!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

GRABE pala ang trip ng isang acclang negosyante kapag gusto niyang malibang at maligayahan!

Ayon sa aming source, kapag inaatake ng init ng katawan, kumukuha siya ng bayarang lalaki. Sinasabihan niya ang lalaki na magsama ng babae.

‘Pag nasa bahay na ng negosyante ang lalaki at babae, hindi naman niya titikman ang babae o ang lalaki.

Basta, babayaran lang niya ang dalawa habang siya ay nanonood sa ginagawa nila, huh!

Ganun daw minsan ang trip ng negosyante pero kadalasan eh lalaki talaga ang gusto niya!

Sweet, pasok sa teatro panalo

Nagbabalik sa teatro si John ‘Sweet’ Lapus dahil ang sinulat niyang True to Life eh isa sa finalists ng Puregold Teatro Panalo na next year pa ang staging.

Produkto ng Teatro sa UST si Sweet nung nag-aaral pa bago inagaw ng TV at pelikula. Nag-uwi ng P100K si Sweet pati na ang karangalan bilang pioneer sa project na ito ng Puregold.

Ang isa pang finalists ay ang Youngstunna na sinulat ni Jerom Andrei Canlas, brother ni Elijah Canlas.

Tungkol ito sa kuwento ng nakilalang grupo na Geng Geng na naging kontrobersyal ang pagpunta nila sa BGC upang mag-pictorial, pumorma at mag-chill!

Na-misinterpret ang kakaiba nilang datingan at galawan kaya hindi sila pinayagang tumambay sa BGC.

Ayon kay Jerome, may sarili silang mundo at dahilan ng kanilang datingan! Pati pananalita ay pinag-aralan niya at malalaman ang nasa likod ng kanilang datingan kapag nasimula na ang Teatro Panalo next year, Feb. 20 to March 14, sa Maybank Theater.

Sasabay sa Virgin LabFest ang Puregold Teatro Panalo?

Congratulations sa 12 finalists at festival director Chris Cahilig at Vincent de Jesus.

JOHN LAPUS

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with