^

Metro

Higit 100K pulis, force multipliers ipakakalat sa Undas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 111,582 pulis at force multipliers ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa 5,628 sementeryo at columbaria sa buong bansa upang matiyak ang seguridad ng publiko ngayong Undas.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Acting Executive Officer Col. Amante B. Daro, inilabas na noong Oktubre 6 ang mga panuntunan para sa lahat ng police units upang mapanatili ang kaayusan sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sa kabuuang pu­wersa, 11,782 ang mula sa specialized units ng PNP at 31,814 ang force multipliers, kabilang ang mga barangay peacekeeping team, police support group at traffic managers ng mga lokal na pamahalaan.

Bukod sa mga sementeryo, paiigtingin din ang pagbabantay sa mga terminal, pangunahing lansangan, mall, pasyalan at resort. Noong Undas 2025, mahigit 14 milyon ang dumalaw sa mga sementeryo at columbaria sa bansa.

Magtatalaga rin ng Police Assistance Desks upang tumugon sa mga insidente, kabilang ang nawawalang bata, at kum­piskahin ang mga ipinagbabawal na bagay. Hinikayat ni Daro ang publiko na tiyaking ligtas ang mga tahanan at maayos ang mga sasakyan bago bumiyahe.

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with