^

PSN Opinyon

Kuyog system ni Gen. Mendez sa Central Luzon, patok!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

“JBM KUYOG” system! Ito po ang bagong programa ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez kontra kriminalidad. Lilina­win ko mga kosa, iba ito sa JBM Patrol system ha? Itong “kuyog” mga kosa ay salitang kalye na ang ibig sabihin ay pinagtulong-tulungan. Halimbawa, ang krimen ay nangyari sa Bulacan, abayyyyy hindi lang ang tropa ni Col. Jay Baybayan, ang provincial drector ng Bulacan, ang kikilos kundi ang buong Central Luzon. Kapag nagbigayan ng detalye at iba pang intellience matters itong mga pulis sa mga probinsiya ng Central Luzon sa pagtugis sa kriminal, hindi magtagal at malulutas ang kaso. Mismooooo! “Ito ang diwa ng JBM Kuyog System—mabilis na palitan ng impormasyon, malinaw na koordinasyon, at sabay-sabay na pagkilos ng mga police units,” ayon kay Mendez. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Bilang ehemplo, dalawang magkahiwalay na kaso ang nadale ng PRO3 dahil sa “kuyog system.”Dalawang mabilis na operasyon. Iisang sistema ng pagkilos. Dipugaaaaa Noong October 9, isang 32-anyos na lalaki ang binaril sa Bgy. Longos, Calumpit, Bulacan. Agad nagkasa ng hot pursuit ang Calumpit MPS sa ilalim ng “JBM Kuyog” System. Sa tulong ng CCTV backtracking, intelligence gathering at koordinasyon ng iba’t ibang police units, nasundan ang suspek mula Calumpit hanggang Angeles City, kung saan aktibo si Col. Robert Domingo. Tsk tsk tsk! Simple lang pero rock, no mga kosa? Pagsapit ng 7:15 ng gabi, wala pang 12 oras, mula nang mangyari ang insidente, naaresto ang panguna­hing suspek sa Bgy. Cutcut. Narekober din kalaunan ang .45 caliber pistol na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril at ang motorsiklong umano’y getaway vehicle. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kinabukasan, October 10, panibagong kaso naman uli sa sakop ni Domingo sa Angeles City. Isang 41-anyos na Korean national ang nabiktima ng hold-up sa Bgy. Balibago. Muli, sabay-sabay na kumilos ang intelligence, investigation at operating units ng Central Luzon. Sa parehong araw, naaresto ang isa sa mga suspek sa Bgy. Amsic. Narekober din ang isang Glock .40 caliber pistol, hand grenade, motorsiklo, at ilan sa mga gamit ng biktima. Anong sey n’yo mga kosa? Purbidang yawaahhhhh!

Sa huli, simple lang ang mensahe ni Mendez.Kapag may krimen, walang kanya-kanyang galaw. Kuyog ang kilos, tuloy ang habol, at ang seguridad ng komunidad ang laging sentro. Kaya sa mga kriminal d’yan, iwas-iwas muna sa Central Luzon at baka makuyog kayo. Ang sakit sa bangs nito. Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with