Empleyado,pinatay at ibinaon ng 5 kainuman
MANILA, Philippines — Isang 46-anyos na lalaki na kawani ng National Irrigation Administration (NIA) ang pinatay at pagkatapos ay ibinaon sa lupa ng limang lalaki na kanyang naging kainuman sa Sitio Lampong, Barangay Escoting, Diadim Nueva Vizcaya.
Ang biktima ay kinilalang si Walter Bango, nakatalaga sa NIA plantation sa nasabing bayan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, huling nakita noong October 9, 2026 ang biktima na niyaya umano ng limang kalalakihan na makipag-inuman sa isang construction site.
Habang nag-iinuman ay nakatalo ng biktima ang limang kainuman na kung saan siya ay pinagtulungan gulpihin hanggang sa mapatay.
Nang mapatay ay agad din umanong inilibing ang biktima sa lugar gamit ang isang backhoe.
Ang krimen ay natuklasan lamang ng isa sa limang suspek ang sumuko sa Police Station 4 sa Santiago City dahil hindi umano siya nakakatulog makakain, at inuusig ng kanyang konsensiya.
Inamin nito na siya ang unang sumuntok sa biktima at pagkatapos ay tumulong na ang apat niyang kasama sa pambubugbog at pagkatapos isa sa kasama niya ang nag-untog sa ulo sa semento na ikinamatay nito.
Sinasabi na ang nag-untog sa ulo ng biktima ay siya rin ang operator ng backhoe para ibaon ang biktima.
Kamakalawa ay natunton at nahukay ang biktima matapos ituro ng sumukong suspek at kasunod ay sumuko rin ang apat pa nitong kasama at nasa kostudiya na ng pulisya.
- Latest















