TV5 at ABS-CBN, nagpirmahan ng partnership sa ASAP

Mapapanood na rin sa TV5 ang ASAP XP simula Oct. 18.
Inanunsyo ang balita sa ceremonial signing sa ASAP XP event sa Pampanga kahapon, Linggo, kung saan pinagtibay ang kasunduan ng ABS-CBN at TV5 para sa co-production ng programa.
Pormal na nilagdaan ang kasunduan nina TV5 Chairman Manuel Pangilinan, MediaQuest President and CEO Victorico Vargas at TV5 Officer-in-Charge Chaye Cabal-Revilla, kasama sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer Cory Vidanes at Chief Partnership Officer Bobby Barreiro.
Hindi lang ipapalabas ng TV5 ang ASAP XP, kundi magiging katuwang na rin sa produksyon nito.
Pagsasamahin nga ng dalawang network ang kanilang talento, kakayahan, at creative resources upang makapaghatid ng mas makulay at mas kapana-panabik na musical entertainment para sa mga Pilipino.
“This partnership brings together the creative strengths of TV5 and ABS-CBN, supported by the broader reach and capabilities of the MVP Group ecosystem.
“We believe that working together makes the Philippine entertainment industry stronger, creates more opportunities for Filipino artists, and allows us to bring quality entertainment to more audiences, wherever they are,” paunang sabi ni Mr. Pangilinan.
Binigyang-diin naman ni Ms. Cabal-Revilla ang kahalagahan ng bagong partnership.
“For TV5, the return of ASAP XP marks another meaningful chapter in our partnership with ABS-CBN. This collaboration reflects the mutual trust, respect, and shared commitment that both networks have over the years.
“By bringing together our creative strengths and talents, we have an opportunity to make the show even more exciting and memorable for Filipino audiences. We look forward to working even more closely together, creating fresh performances and new talent combinations that bring Kapatid and Kapamilya viewers together every Sunday,” dagdag ni Ms. Cabal-Revilla.
Bilang bahagi ng collaboration, makakasama ng Kapamilya stars sa ASAP XP stage ang Kapatid talents.
Nakiisa sa pagdiriwang ng partnership ang TV5 artist na si Dylan Menor, kasama ang Star Worx artists na sina Carmela Lorzano, Gianna Huelgas, Kaitlyn King, Selina Griffin, Keisha Serna, Celyn David, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros at Spencer Capistrano, gayundin ang Kapamilya stars na sina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Erik Santos, Darren Espanto, Alexa Ilacad, Robi Domingo, Belle Mariano at Donny Pangilinan.
Magsasama ang mga Kapatid at Kapamilya hindi lamang sa harap ng kamera kundi maging sa likod nito upang makapaghatid ng de-kalidad na entertainment para sa mga Pilipino.
Mapapanood ang ASAP XP sa TV5 tuwing Linggo kasabay ng pag-ere nito sa ALLTV, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWant at TFC.
Mahigit tatlong dekada nang kasama ng mga Pilipino ang ASAP tuwing Linggo, hatid ang kantahan, sayawan at performances ng kanilang paboritong stars at mga bagong artist.
Reality show, tututok sa mga problema sa balat
Masayang-masaya ang celebrity dermatologist na si Dr. Kei George Rebolledo, founder ng Kutis By Kei, nang magkaroon ng media launch ang bagong reality series na Kutis Reveal, noong Biyernes ng gabi sa B Hotel, Quezon City.
Aminado si Dr. Kei na matagal na niyang mina-manifest na magkaroon ng ganitong reality series dahil nasa puso niya niya ang pagiging innovative at ang kagustuhang makapag-offer ng masasabing bago naman sa mga manonood. “I think this is the very first kind of show that will showcase real skin transformation,” pauna niyang sabi sa ilang kaharap na lifestyle at entertainment media.
Ang nasabing reality show ay may 12 participants mula sa 100 auditionees na may iba’t ibang klase ng skin problem.
At ilalahad nila ang kanilang kwento at kung paano sila binigyan ng kaukulang treatment sa Kutis Reveal sa loob ng apat na buwan hanggang maramdaman nila ang pagbabago sa kanilang sarili.
Ipapakita sa show ang journey ng bawat isa mula sa auditions at casting call hanggang sa medical consultations, treatment, healing at final transformation reveal.
Kwento ni Dr. Kei, kabilang sa 12 participants ang isang cancer survivor na may burnt marks dala ng toxic drugs na ginagamit sa chemo sessions.
Meron ding nurse, aspiring actress, LGBT advocate, estudyante at breadwinner na nagtatrabaho sa logistics.
Pero paglilinaw niya, hindi sila nangangakong kikinis sa loob ng isang araw ang, halimbawa na, balat ng may naging acne problem.
Magiging very honest at firm umano ang programa na hindi ito isang miracle show.
“There’s no instant solution when it comes to skin. What really matters is consistency, trusting the process and believing that change is possible,” paliwanag niya.
At dahil iba-iba ang kaso ng participants — may melasma, acne scars, psoriasis, scarring at pigmentation — malawak din ang magiging treatment journey nila gamit ang iba’t ibang derma procedures at technologies tulad ng LDM by Elogio, Rejuran, Blaumann Laser, Sylfirm X, na ia-administer sa pamamagitan ng CurJet at Lenisna.
Ang mga paggamot ay iniangkop sa partikular na kondisyon ng balat at mga pangangailangan ng bawat kalahok.
Umaasa rin ang dermatologist na maitataguyod ng programa ang mas malalim na pag-unawa sa mga nakikitang kondisyon sa balat at sa mga karanasan ng mga taong may ganitong mga kondisyon.
Umaasa siyang makikita ng mga manonood ang katapangan ng mga kalahok at uuwi silang may sapat na kaalaman at puno ng pag-asa.
- Latest



















