^

Police Metro

Misis tinadtad ng saksak ni mister, patay!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang negosyanteng ginang matapos tadtarin ng saksak ng kanyang sari­ling mister sa gitna ng pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas nitong Biyernes.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang ginang na kinilala lang sa pangalang “Clemen,” 49-anyos, store owner, matapos na magtamo nang malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ang suspek na kinilala sa pangalang Rodrigo ay isinugod din sa pagamutan at kasalukuyan nang nagpapagaling matapos na masugatan sa insidente.

Base sa report ng Lipa City Police, nangyari ang insidente sa tahanan ng mag-asawa sa Brgy. Marawoy ng lungsod.

Bago ang krimen, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng ginang at ng mister nito sa hindi pa matukoy na kadahilanan.

Ayon sa imbestigas­yon, naalimpungatan ang anak ng mag-asawa na si Christian sa malalakas na sigawan at kalabugan sa unang palapag ng kanilang tahanan at nang bumaba sa hagdaan upang alamin ang insidente ay napasigaw siya sa pagkabigla.

Nakita na lang ni Christian na pinagsasaksak na ng kaniyang ama ang kaniyang ina sa loob ng comfort room kaya agad siyang nagtatakbo palabas ng kanilang bahay para humingi ng tulong.

Tumakbo ang ginang papuntang palikuran para makaiwas sa pananaksak ng mister, pero dito siya inabutan at kinatay.

Inaresto ng mga pulis ang mister sa ospital na nahaharap sa kasong parricide.

CLEMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with