^

PSN Showbiz

Arci, nagbago na naman ang hitsura?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Arci, nagbago na naman ang hitsura?!
Arci Muñoz

Awss parang may naiba na naman daw sa face ni Arci Muñoz.

Sa kanyang mga latest post sa Instagram ay may parang may pagbabago ulit.

Wala namang panghuhusga, marami lang nakapansin na mas Koreana ang kanyang peg, ala-Jennie ng Blackpink.

Kung sabagay, sinabi na ni Arci sa dating interview na unbothered siya sa mga komento sa kanyang paiba-ibang hitsura.

Minsan na siyang sumagot sa matagal nang usap-usapan tungkol sa umano’y pabagu-bagong hitsura ng kanyang mukha.

Aniya that time: “Hindi ako kailanman naapektuhan. Hindi ako naaapektuhan. Wala akong pakialam. Alam ng lahat na ganyan na ang ugali ko noon pa,” words to that effect na sabi niya noon sa screening ng pelikulang Sweet Escape na full-length film entry niya para sa Sinag Maynila 2026.

Sinabi pa ng aktres na dahil bukas na ang publiko sa ideya ng plastic surgery, wala rin siyang pakialam kung positibo o negatibo ang mga komento tungkol sa kanyang paiba-ibang hitsura.

“Sa ngayon, na-open na ang lahat sa ganyan, pwedeng sabihin na ako ang OG (original). Tapos na ako sa ganun,” sabi pa niya sa mga kausap na writer.

Inulit niya pa na hindi siya kahit kailanman naapektuhan pagda­ting sa mga bagay na ganun.

Ginagawa lang daw niya ang kanyang gusto: “Basta masaya ako, wala talaga akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao,” pagpapatuloy niya.

Well, matagal nang open ang actress tungkol sa kanyang journey sa plastic surgery simula noong 2017.

Inamin pa nga niya kay Kuya Boy Abunda ang kanyang pagsisisi sa pagpapagawa sa kanyang mukha sa Fast Talk with Boy Abunda noong 2025.

Sinabi niyang gusto niya kasing laging i-reinvent ang sarili.

At ang payo niya, kailangan talagang pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay. Huwag daw tutularan na talagang matigas ang ulo.

Ang bottomline, kung saan ka masaya gawin mo.

Sabagay pera naman niya ang ginagamit niya, kung hindi ex-deal, sa ginagawa niyang pagpapaayos kaya may karapatan siyang mang-dedma sa mga sinasabi ng ibang tao.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with