^

Police Metro

Digong, kayang humarap sa paglilitis - ICC

Malou Escudero - Pang-masa
Digong, kayang humarap sa paglilitis - ICC
Former Philippine President Rodrigo Duterte appears at the International Criminal Court (ICC) in The Hague on September 16, 2026, during a preparatory session as he faces charges over his “war on drugs,” which killed thousands.
AFP / Pool / Piroschka Van De Wouw

MANILA, Philippines — Kayang-kaya ni da­ting Pangulong Rodrigo Roa Duterte na humarap sa paglilitis kaugnay ng mga kaso nitong crime against humanity sa pagpapatupad ng kanyang administrasyon ng kampanya kontra droga.

Ito ang inihayag ng International Criminal Court (ICC) nitong Huwebes batay sa desisyong may petsang Setyembre 28 na inilabas sa publiko nitong Oktubre 8, kumbinsido itong “fit to stand trial” si Duterte.

Base sa natuklasan ng mga eksperto, may kakayahan si Duterte na maunawaan ang mga kasong isinampa laban sa kanya, ang layunin at mga kahihinatnan ng mga paglilitis.

Kaya rin umano ni Duterte na masundan ang takbo ng proceedings, maunawaan ang mga ebidensiya at mabigyan ng wastong instruksyon ang kanyang mga abogado sa paghahanda at pagsasagawa ng kanyang depensa.

Tinanggihan din ng chamber ang kahilingan ng depensa para sa karagdagang medical examination, gayundin ang kanilang kahilingang kuwestiyunin ang panel of experts at ang unang kahilingan para sa oral hearing.

Nakatakda namang simulan ang paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30, 2026.

RODRIGO ROA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with