Lovi bumabawi, halos ayaw ibaba ang anak!

Super hands-on si Lovi Poe sa first birthday ng kanilang anak ng mister niyang film producer and scientist Montgomery Blencowe.
Makikita sa kanyang Instagram (IG) stories na nag-arrange siya ng flowers para sa table habang karga ang kanyang anak.
Aniya sa isang IG story “Adding party planner to my resume LOL
“Dirty feet, tired hands, and finalizing the table setting. Pretty proud of myself, not gonna lie. “#PartyWithLovi”
Ngayong one year old na ang daughter nila, ipakita na kaya nila Lovi ang face nito sa social media?
Anyway, maraming naging karanasan si Lovi sa pagiging ina.
Inamin niya kamakailan na dumaan siya sa isang mahirap na panganganak matapos magkaroon ng HELLP syndrome at preeclampsia.
Dahil sa mga komplikasyong ito, hindi niya agad na-enjoy ang pagkakarga sa kanilang bagong silang na anak na babae.
Inamin din ni Lovi na groggy siya matapos manganak, kaya nag-decide siyang maghintay muna hanggang sa maging mas gising bago niya kargahin ang kanyang sanggol.
Dahil daw sa kanyang kondisyon, nanatili siyang nakahiga sa sa loob ng ilang araw, kung saan nahirapan siyang magising.
- Latest



















