^

Probinsiya

Tiyuhin ginilitan ng 15-anyos pamangkin!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Simpleng tampuhan nauwi sa krimen

MANILA, Philippines — Dahil lamang umano sa simpleng tampuhan, pinatay ng isang 15-anyos na binatilyo ang sariling 35-anyos nitong tiyuhin matapos itong gilitan sa leeg sa Brgy. Tapon, Dumanjug, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Cebu Provincial Police Office (PPO), naitala ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi noong Oktubre 5 sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, bigla na lamang dinaluhong ng binatilyo ang 35-anyos na tiyuhin na kasalukuyan nang nagpapahinga at agad nitong ginilitan sa leeg.

Hindi pa nakuntento ay pinagsasaksak pa ng suspect sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Nauna sa insidente, nagkaroon umano ng simpleng tampuhan ang magtiyo na humantong sa hindi pagkakaunawaan.

Walang kamalay-malay ang biktima na plinano na siyang patayin ng pamangkin.

Nang magresponde ang mga awtoridad, natagpuan ang biktima na duguang nakabulagta sa sahig na may malalim na sugat sa kaniyang leeg habang nagkalat din ang dugo sa lugar.

Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan, pero idineklara nang dead-on- arrival.

Ang suspect ay isinailalim sa kustodya ng pulisya at matapos ang kaukulang proseso ay iti­nurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagiging menor-de-edad.

CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with