PANOORIN: Dennis Trillo, handang makipagbati kay Patrick Garcia
MANILA, Philippines — Bukas si Dennis Trillo na makipag-ayos kay Patrick Garcia kung sakaling lapitan siya nito sa gitna ng kontrobersiyang dulot ng panayam ni Patrick tungkol sa asawa ni Dennis na si Jennylyn Mercado.
“Lahat ng tao pwedeng bigyan ng second chance, 'di ba? Kahit gaano pa ka-grabe iyong mga nagawa niya. Tao lang tayo,” ani Dennis matapos makatanggap ng dalawang Best Actor Awards sa Golden Screen Dekada Awards 2026 nitong Linggo, Oktubre 4.
Hiling ng pamilya ni Dennis na matapos na ang lahat ng pagba-bash at hindi na madamay ang mga bata sa "kaguluhan."
"Mga magulang involved dito, pero huwag na natin idamay ang mga bata. Dahil at the end of the day, sila ang buhay natin. Sila ang pino-protektahan natin. Sila ang mga mahal natin. Ayaw natin na, alam mo 'yun, masangkot pa sila sa ganitong klaseng mga kaguluhan pa," sabi ni Dennis.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa panayam ni Patrick sa showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz, kung saan nag-bahagi siya tungkol sa naging relasyon nila ni Jennylyn halos dalawang dekada matapos ang kanilang paghihiwalay noong 2008.
Itinanggi rin ni Patrick na pinabayaan niya si Jennylyn noong buntis siya sa kanilang anak na si Alex Jazz. — Karagdagang ulat mula kay Jan Milo Severo
- Latest





















