Pilar Pilapil, takot mapunta sa impyerno; Mantsa, mananakot!

Showing na next week ang horror-suspense thriller, Mantsa (Stain), na kabilang sa mga producer ang beauty expert and personal friend naming si Bambbi Fuentes.
Naturally aniya, kinakabahan, pero lagi raw niyang iniisip na napaghandaan nila ang pelikula kaya nawawala rin ang kaba niya.
Bukod sa pagiging producer, siya rin ang nagsulat ng kuwento nito.
Kasama niya bilang producer si Ms. Tine Areola na mommy ng isa sa mga bida sa pelikula, si Shira Tweg under Dragons Entertainment Productions with Ric Valenzuela Jr bilang producer din.
Kaya naman ipinagmamalaki ni Bambbi, na sa trailer ay nakakaintriga na. Sa ilalim ito ng direction ni Louie Ignacio.
Mga bagay na mas nakakatakot aniya kaysa sa mga multo, nakatuon ang kuwento nito.

Nabuo ni Bambbi ang kuwento ng Mantsa last May 2024. Kaya talagang ang tagal daw ng kanilang naging preparation – January 2025 nila ito natapos. “Pagkatapos, noong January 2026, nagsimula na kaming mag-cast. Timely ang pagtalakay namin sa mental health sa pelikulang ito. Umaasa ako na sa hinaharap, kapag kumita na ang Mantsa, makagagawa pa kami ng iba pang magagandang pelikula at magiging mas masaya ang industriya,” sabi ni Bambbi tungkol sa kanyang bagong ‘misyon.’
Pinipili naman ni Ms. Tine na panatilihing positive ang pananaw sa tuwing sasabak sila sa movie production lalo na aniya at malapit sa puso niya ang kuwento ng pelikulang ito. “Maipapakita natin dito ang tunay na nangyayari sa mga kabataan ngayon,” umpisa ni Ms. Tine. “Laban lang. Talagang kailangan nating lumaban para sa pelikulang ito.”
Magkakaroon ang Mantsa ng Red Carpet premiere bukas, Lunes, Oct. 5.

Kaya maging ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil ay sinisipagan na rin ang pagpo-promote nito na isa sa mga bida ng pelikula. “Noong bata pa ako, marami akong kinatatakutan, pero ngayong matanda na ako, mas malalim na ako, spiritually.”
At ang tanging kinatatakutan na lang daw niya ay ang mapunta sa impyerno. “I am just afraid to end up in hell. I really strive very hard to do what is pleasing to the Lord.”
Kilalang straight to the point ang mga sagot ng beteranang aktres pero pagdating sa pananampalataya, grabe ang kapit niya sa Diyos. “If you just rely on yourself, it’s really hard to overcome your fears. But since I gave my life to the Lord, and He made me whole again, that was when I was able to overcome those fears and those weaknesses. Not with my own strength with God’s strength and His spirit,” paliwanag niya.
Anyway, tinanggap agad ni Pilar ang pelikulang ito dahil sa kuwento. “Iba ito para sa akin,” pag-amin niya. “Minsan, nakakahon ako sa mga papel na kontrabida. Naisip ko, talagang kakaiba ang papel ko sa Mantsa. Nagustuhan ko ang proyekto. It didn’t require me to talk too much,” sabi niya.
“Hindi ito role na puro salita para sa akin. Mostly nuances. The expressions of the eyes, body language. It’s really a very interesting role. There are many facets to my character. That’s the reason I accepted the project,” pagbabahagi pa niya.
Ang isa pang bida sa pelikula, si Gelli de Belen, ay ayaw isipin ang mga bagay na kinatatakutan niya. “Maybe if there’s one thing that I’m afraid of, that’s to be away from my family or to be away from my sons. I hope I will not have to deal with health issues. As you get older, maybe that’s what you are really afraid of. Dealing with health issues as you get older. Getting sick and be(ing) away from your loved ones,” sagot na rin ng actress.
Bukod sa istorya ng pelikula, tatlong dekada nang magkakilala sina Bambbi at Gelli kaya naman naging madali para kay Gelli na tanggapin agad ito. “The movie is dark. Isa itong psychological thriller. Noon, sanay na sanay ako sa paggawa ng mga romantic comedy o drama. Sa tingin ko, hindi pa ako nakagawa ng psychological thriller na katulad nito Nakagawa na ako ng horror thriller noon, pero iba ito.
“It’s dark and very quiet. It’s scary in a way because there are no ghosts to make you feel afraid or beings who are not from here. Being your own ghost is scarier. That’s what this movie is all about,” dagdag ni Gelli.
Para naman sa young actor na si Khai Flores, kung may isang bagay na gusto raw niya sa pelikulang ito, ito ay ang pagtalakay sa mental health issues na mas marami na ngayong conflict.
Dream role rin para sa baguhang young actor ang ginampanan niyang role. “Shira and I are both Dragon babies. Doing a horror-suspense role is a dream for me. I’m very proud to be given this project.”
Kuwento pa ni Khai, nakaramdam siya ng pressure kaya naman talagang pinaghandaan daw niya: “Kung hindi, baka mapahiya ka lang. But our veteran stars were very good. Even Direk Louie. It was really an experience to work with them. I was glad I did the scenes well.”
Para kay Shira, ang pagganap sa isang challenging role sa Mantsa ay isang bagay na hindi niya inaasahang gagawin niya. Tho naniniwala siya bilang isang aktres, inaasahang susubukan mo ang iba’t ibang role. “It was really challenging for me, but I’m glad I was able to finish the project.”
Actually, nang malaman daw niya kung sinu-sinong malalaking pangalan sa cast ang makakasama niya, kinabahan kaagad si Shira. “At first, I had to prepare myself. There were many scenes to prepare for. You can’t just come to the set where you don’t know anything. You’ll be ashamed to work with your co-stars.”
Kabilang din sa pelikulang Mantsa sina Snooky Serna, Lloyd Samartino, Janice de Belen and Dino Guevarra, with Miles Poblete, Than Perez, RJ Ariar, Jass de la Torre, Milli Marzo, Ghia Garcia, Bo Bautista, LA Santos and Raine Barretto.
Mag-uumpisang mapanood ang pelikula sa mga sinehan sa Oct. 7 na R-13 ng Movie and Television Review and Classification Board.
- Latest























