^

Police Metro

NCAP ng MMDA suspendido sa Valenzuela City

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ang pagpapatupad ng “No Contact Apprehension Policy” (NCAP) sa lungsod ng Valenzuela na epektibong ilalarga na sa ibang mga lugar sa Metro Manila umpisa sa Oktubre 5.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela, nauunawaan nila ang layunin ng NCAP pero sa kasalukuyang sitwasyon sa siyudad ay hindi pa ito ang tamang panahon upang ipatupad ito.

Una rito, noong Setyembre 30 ay sabay-sabay na nag-anunsyo sa kanilang social media account ang anim na lungsod sa Metro Manila na kinabibilangan ng Quezon City, Manila, Muntinlupa, Parañaque, San Juan at Valenzuela na kanila nang ipatutupad ang NCAP ng Metro Manila Development Authority.

Nabatid pa na sunud-sunod ang konstraksyon at pagkukumpuni sa mga pangunahing kalsada sa Valenzuela City kung saan araw-araw ay nagbabago ang daloy ng trapiko.

Idinagdag sa abiso na hindi na nais ng pamahalaang lungsod na madagdagan pa ang pasanin ng mga motorista sa panahong hindi pa normal at maayos ang kondisyon ng mga kalsada. -

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with