7 minero atay sa gas poisoning sa Benguet!

MANILA, Philippines - Pitong small-scale miners ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel portal dahil sa hinihinalang gas poisoning sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet, matapos umanong malason sa gas nitong Miyerkules ng gabi.
Sa ulat, anim sa mga nasawi ay mga residente ng Barangay Bana-ao sa Tadian, Mountain Province na kinilalang sina Bryan Campoas Madrid, 18; Kenjie Igaan Mangayen, 19; Orviel
Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Igaan Gapacan Jr., 19; Hill Limong Padon, 25; at Alvin Lazaro Daniel, 21; habang ang ikapitong biktima ay si Leonardo Bacuteng Pino, 62, tubong Cagayan Valley.
Agad na nagsagawa ng retrieval operation ang mga emergency responders matapos maiulat ang insidente.
Dakong alas-11 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 1, matagumpay na narekober ng mga rescue team ang pitong indibiduwal, ngunit pawang wala nang buhay nang matagpuan sa lugar.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Provincial Government of Mountain Province sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima, partikular sa komunidad ng Bana-ao na nawalan ng anim na residente.
Sa kabila na hinihinalang nakalanghap ng nakalalasong gas ang mga biktima, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.
- Latest





















